Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na lampas dalawang milyong dose ng bakuna na ang nagamit sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, 320,586 na ang nakakumpleto ng kanilang second dose, habang 1,744,649 indibiduwal naman ang may first dose na.

Dagdag ni Cabotaje, karamihan sa mga nabakunahan ay mga health worker.

1.1 million health worker ang may first dose na, habang abot 250,000 naman ang nakakumpleto nang vaccination.

Inihayag din ng health official ang pagsisimula ng rollout para sa Sputnik V, na unang gagamitin sa Metro Manila.

“Nagsimula tayo magbakuna kahapon, may naitala po tayong 2,634 na nabakunahan ng Sputnik V,” saad ni Cabotaje.

The post DOH: Higit 2M bakuna naturok na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-higit-2m-bakuna-naturok-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-higit-2m-bakuna-naturok-na-sa-pinas)