Humingi ng tulong sa publiko ang Department of Health-NCR para mahuli ang mga taong sangkot sa pagbebenta ng slot para sa COVID-19 vaccine.

“Paalala sa ating mga kababayan ay huwag po ninyong patulan yung mga ganyan na nagbebenta ng slots kasi hindi iyan binebenta talaga, it’s for free,” ayon kay DOH-NCR Director Dr. Gloria Balboa sa panayam ng TeleRadyo.

Hinimok ng DOH official ang mga Pinoy na huwag tangkilikin ang mga nagbebenta ng slot, na umaabot umano ang presyo mula P12,000 hanggang P15,000.

“Kung meron silang nabalitaan at nag offer sa kanila ay i-report nila para mapatawan ng karampatang sanction ang mga nananamantala,” ayon pa sa health official.

Ayon kay Balboa, sila’y nakikipag-ugnayan na sa mga LGU para mahuli ang mga utak sa likod ng bentahan ng COVID-19 vaccine slot.

The post DOH: Mga nagbebenta ng bakuna slot isumbong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-mga-nagbebenta-ng-bakuna-slot-isumbong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-mga-nagbebenta-ng-bakuna-slot-isumbong)