Wala pang ipatutupad na travel ban sa kabila ng pagkadiskubre ng bagong COVID-19 variant sa Vietnam.

Ayon sa Department of Health (DOH), aaralin muna ng World Health Organization (WHO) ang bagong variant sa Vietnam, na sinasabing hybrid ng mga variant mula India at United Kingdom.

“Sinasabi nilang hindi pa nila nakukuha ‘yung lahat ng detalye at nakikipag-coordinate pa sila sa Vietnam at pag-aaralan pa nila nang mas mabuti para makapagbigay sila ng guidance sa mga bansa,” ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa radio interview.

Aniya pa, ang WHO ang magdedetermina kung magiging ‘variant of concern’ ang new coronavirus strain sa Vietnam.

Doon nila pagbabasehan kung dapat bang limitahan ang biyahe sa naturang bansa.

“If that would be something na sasabihin po ng WHO at sinabi nila na ang classification is ‘of concern,’ nandiyan po ‘yung posibilidad na maaari naman po nating gawin ‘yan para lang po ating ma-prevent ang pagpasok ng ganitong variant sa ating bansa,” paliwanag ni Vergeire.

The post DOH: Vietnam COVID variant susuriin pa bago travel ban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-vietnam-covid-variant-susuriin-pa-bago-travel-ban/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-vietnam-covid-variant-susuriin-pa-bago-travel-ban)