Nagpaalala si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes sa mga pribadong kompanya na wala dapat bayaran ang kanilang mga empleyado para mabakunahan.

“Bawal po yun, kung babakunahan, babakunahan sila, dapat libre kasi sagot ng ating pamahalaan natin yan eh,” pahayag ni Bello sa isang panayam.

Libre rin daw dapat ang bakuna maging sa ilang mga kompanya na gumastos para mabakunahan ang kanilang mga empleyado.

“Ok lang, gamitin nila yung bakuna pero wag silang maningil,” ani Bello.

“Ang pagintindi namin, kaya sila bumili, para mabakunahan yung mga empleyado nila para masiguro yung safety condition nung kanilang workplaces,” dagdag pa ng kalihim.

Ang mga frontline economic workers ay sinama na rin ng gobyerno kamakailan sa mga prayoridad makatanggap ng bakuna kontra COVID.

The post DOLE: Bakuna sa pribadong kompanya, libre dapat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dole-bakuna-sa-pribadong-kompanya-libre-dapat/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dole-bakuna-sa-pribadong-kompanya-libre-dapat)