Tiwala si Nonito “The Filipino Flash” Donaire na kaya pa niyang maging kampeon sa bantamweight division kahit pa siya ay 38-anyos na.

Nakatakdang harapin ni Donaire si Nordine Oubaali ng France sa Mayo 29 para sa WBC bantamweight belt.

Bagamat delikadong kalaban ang Pranses dahil na rin wala pa itong talo sa kanyang 17 laban, hindi takot si Donaire na makipag basagan ng mukha upang maging kampeon sa division.

“I have a dream which is to be the undisputed bantamweight champion,” ani Donaire. “At 38 years old, I think I am capable of doing it.”

“I want to achieve many things, but first I have to show what I can do on May 29. We are ready to give a great fight and show that I am better than Oubaali. Without a doubt I believe that I am capable of knocking him out,” dagdag pa ng dating four-division world champion.

Huling lumaban si Donaire noong Nobyembre ng 2019, kung saan natalo siya via unanimous division kay Naoya Inoue ng Japan. Bagamat nabigo, marami ang humanga kay The Filipino Flash sapagkat binigyan niya ng sobrang hirap na laban ang Hapon kahit pa marami ang nagduda sa kakayahan niyang makipagsabayan dito.

Sakaling magwagi kay Oubaali, target raw ni Donaire ang isang rematch kay Inoue.

The post Donaire: ‘Di pa ako laos first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/donaire-di-pa-ako-laos/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=donaire-di-pa-ako-laos)