Muling papayagan ang pagbisita sa dalawang historical site sa Intramuros simula May 17, Lunes.

Ayon sa Department of Tourism, bubuksan na sa mga turista ang Fort Santiago at Baluarte de San Diego kasunod ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang kalapit lugar.

“The re-opening of Fort Santiago and Baluarte San Diego will allow visitors to again experience the World’s Leading Tourist Attraction as recognized by the prestigious World Tourism Awards,” pahayag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

200 bisita lamang ang papayagan sa Fort Santiago, habang 100 naman sa Baluarte de San Diego bilang pagsunod sa 30 percent capacity na pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Bukas ang Fort Santiago mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi, habang alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon naman ang operating hours ng Baluarte de San Diego.

Samantala, mananatili pa ring sarado sa publiko ang ilang tourist site sa Intramuros tulad ng Museo ni Rizal at ASEAN garden.

The post DOT: Fort Santiago, Baluarte de San Diego bubuksan na sa turista first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dot-fort-santiago-baluarte-de-san-diego-bubuksan-na-sa-turista/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dot-fort-santiago-baluarte-de-san-diego-bubuksan-na-sa-turista)