Sinusulong ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na gawing pitong araw na lang ang quarantine period ng mga Pinoy abroad na nakapagbakuna na tuwing pupunta sa Pilipinas.

Saad ni Puyat, ito’y para maengganyo ang mga Pinoy na nasa ibang bansa na bumalik sa ‘Pinas.

“Of course the goal is as more and more Filipinos are vaccinated, then maybe we can take a look at lessening the quarantine days but as of now we just want from 10 to seven days at least,” saad ni Puyat sa panayam ng ANC.

Pinunto din ni Puyat ang nangyari sa Thailand na iniksian din ang quarantine para sa kanilang mga kababayan na kumpleto na ang bakuna.

“We are still proposing at least shorter quarantine days to encourage them to come home,” ayon pa sa kalihim.

The post DOT: Quarantine ng mga bakunadong Pinoy galing abroad iksian first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dot-quarantine-ng-mga-bakunadong-pinoy-galing-abroad-iksian/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dot-quarantine-ng-mga-bakunadong-pinoy-galing-abroad-iksian)