Hindi itinanggi ni Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade na patuloy pa ring nararanasan ang matinding daloy ng trapiko sa EDSA, ngunit iginiit nito na nag-improve naman ang nasabing problema.

“Wala akong sinabi na nawala ang traffic sa EDSA dahil sa amin dahil maraming contributing factors yan. May traffic pa rin, pero ang sinasabi natin, kumpara dati na labu-labo ang sasakyan sa EDSA, kung saan-saan bumabalandra ang mga bus para mag-load at unload ng pasahero, at ang tao ay umaabot na sa gitna ng kalsada para makasakay ng bus, mas organisado na po ngayon,” pahayag ni Tugade nitong Martes.

Ayon pa sa kalihim, ang improvement sa daloy ng trapiko ay dahil na rin sa pagtutulungan ng mga ahensya gaya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“The pandemic may have resulted in less congestion, but with the help and support of the MMDA and completion of other crucial projects to ease traffic flow, such as the EDSA Busway of DOTr, the much-improved operation of the MRT-3 (Metro Rail Transit), and Skyway Stage 3 of DPWH, solutions are coming together to address the problem of perennial traffic in EDSA,” dagdag pa ni Tugade.

Sa kabila ng ilang pagbabago, inamin ng kalihim na marami pang dapat gawin upang malunasan ang matinding trapiko hindi lamang sa EDSA kundi sa buong bansa.

The post DOTr: May trapik pa ‘rin, ngunit nabawasan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dotr-may-trapik-pa-rin-ngunit-nabawasan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dotr-may-trapik-pa-rin-ngunit-nabawasan)