Tinamaan ng COVID-19 si Dumaguete City Mayor Antonio Remollo.

Sa Facebook post ng alkalde, inanunsyo nito na nagpositibo siya sa RT-PCR test, na requirement sa dadaluhan sanang National Peace and Order Council na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The meeting with President Duterte will push through as scheduled and Dumaguete City will be ably represented in said event,” saad ng alkalde.

Ayon kay Remollo, siya’y walang nararamdamang sintomas at kasalukuyang naka-quarantine.

Gagampanan pa rin ni Remollo ang kanyang trabaho habang nagpapagaling sa COVID-19.

“I fervently hope that this will serve as something to seriously reflect on even to those who are religious in observing the basic protocols,” wika pa niya.

The post Dumaguete mayor sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dumaguete-mayor-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dumaguete-mayor-sapol-ng-covid)