Biyaheng Dumaguete City ngayong Lunes si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pulong ng Peace and Order Council.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Pangulo ang magiging panauhing pandangal sa aktibidad na dadaluhan ng mga lokal na opisyal sa buong Region 7.

Dahil dito, walang aasahang Talk to the People ngayong Lunes ng gabi ang Pangulo dahil karamihan ng mga miyembro ng gabinete ay nasa Dumaguete City.

“Ito nga po yung Regional Peace Council ng Region 7at gagawin po yan sa Dumaguete. Inaasahan natin na dadalo ang iba’t ibang public officials sa buong Region 7 so inaasahan natin ang talumpati ng Presidente,” ani Roque.

“Bukas po magkakaroon tayo ng Talk to the People kasi dapat ngayong gabi pero nandito nga po kami ngayon sa Dumaguete,’ dagdag ni Roque.

The post Duterte biyaheng Dumaguete first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-biyaheng-dumaguete/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-biyaheng-dumaguete)