May tsansang muling tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 national elections sa pagka-Bise Presidente.

Nilantad ito ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na kung marami ang umudyok sa kasalukuyang Pangulo ay bukas itong huwag iwan ang politika.

“He will only be open to run ‘pag may clamor, ‘pag malakas ang clamor,” lahad ni Panelo sa One News.

Nang matanong naman ni Panelo si Duterte, sinabi umano nito na ipapaubaya niya sa Diyos kung tatakbo siya sa bilang pangalawang pangulo.

“Well, I asked him. Sabi niya, hayaan ko sa Diyos. I’ll leave it to God. In other words, kung tinadhana talaga, wala ka magagawa,” sambit ni Panelo.

Punto ng abogado ay ang nangyari noong 2016, kung saan noong una ay ayaw sanang tumakbo ni Duterte ngunit may naging epekto ang pag-udyok sa kanya ng publiko kaya naghain ito ng certificate of candidacy bilang subsitute sa noo’y standard bearer ng PDP-Laban na si Martin DiƱo.

“May pinuntahan kami na premiere sa Mega, movie showing. Alam mo ba na pagdating sa parking, it takes only three minutes from parking to cinema. But it took us an hour and a half. Kasi sinalubong siya, ayaw pakawalan,” kuwento ni Panelo.

Ilang tagasuporta ni Duterte ang hinihimok na muling tumakbo ang Pangulo, at maging ka-tandem ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, o si Senador Bong Go.

The post Duterte bukas maging Bise Presidente sa 2022! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-bukas-maging-bise-presidente-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-bukas-maging-bise-presidente-sa-2022)