“Mahal ko kayo. Kung hindi ka mahal sa kanila, then I love you all and come back to our country and mag-ano tayo kung anong magawa natin para sa inyo.”

‘Yan ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Duterte, mamadaliin niya ang pagproseso para sa mga OFW na gustong bumalik sa Pilipinas dahil nawalan ng kabuhayan abroad.

“Masakit sa akin ‘yong mga Pilipino na mag-uwi dahil nga sa pandemic. Masakit sa akin na mawalan sila ng trabaho at medyo ubos ang pera,” saad ni Duterte nitong Miyerkoles sa ‘Talk to the People’.

“So kung sino talaga ‘yung mga Pilipino na gustong umuwi, we will do everything to expedite the return to the country which is the Philippines,” ayon sa Pangulo.

Pinasiguro ni Duterte kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na mailagay sa maayos na quarantine facility ang mga balik-bayan na OFW.

The post Duterte gagawin lahat para sa mga OFW na uuwi sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-gagawin-lahat-para-sa-mga-ofw-na-uuwi-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-gagawin-lahat-para-sa-mga-ofw-na-uuwi-sa-pinas)