“Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan.”

‘Yan ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China matapos malaman na may dalawang barko pa ng nasabing bansa ang naglalayag sa West Philippine Sea.

Sa inereng ‘Talk to the People’ ng Pangulo nitong Biyernes, pinagbigay alam ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Duterte na may namataang Chinese vessel na umiikot sa Kalayaan Island at Mischief Reef.

Dito na sinabi ni Duterte na hindi niya aatrasan ang China kahit pa buhay niya ang maging kapalit.

“I do not want a quarrel, I do not want trouble. I respect your position, and you respect mine. But we will not go to war,” ayon sa Pangulo.

“Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako,” aniya pa.

Matatandaan na pinuna ang Pangulo matapos nitong sabihin na biro lamang ang sinabi niya na magtutungo siya sa WPS sakay ng jet ski noong 2016 presidential campaign.

Giniit din ni Duterte na malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China dahil sa mga bakunang donasyon ng naturang bansa laban sa COVID-19.

The post Duterte handang putulin relasyon sa China: Patayin man ako, hindi talaga ako aatras! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-handang-putulin-relasyon-sa-china-patayin-man-ako-hindi-talaga-ako-aatras/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-handang-putulin-relasyon-sa-china-patayin-man-ako-hindi-talaga-ako-aatras)