Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kayang malinis ang korapsyon sa gobyerno kahit na sino pa ang maupo sa puwesto.

Sa kanyang Talk to the People nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na mahirap malutas ang problema sa korapsyon hangga’t may perang sangkot sa anumang transaksyon sa gobyerno.

“We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government that will come after me, and in the past, mayroon talaga ‘yan. If there is a running bureaucracy and there is money involved and there are a lot of tables where the papers would go through, there will always be corruption,” anang Pangulo.

Wala aniyang ibang puwedeng gawin kundi labanan ang talamak na problema sa korapsyon ng may determinasyon at habulin at ipakulong ang mga gumagawa ng kalokohan sa gobyerno.

“Kung walang — ayaw ninyo wala, eh di sarahan mo ang gobyerno. But then again, you choose which way to go. The most that we can do is to fight it,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay nito pinangalanan ng Presidente ang mga opisyal na sinibak sa gobyerno dahil sa katiwalian, kabilang dito ang mga opisyal mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na napatunayang sangkot sa pagpalsipika ng mga titulo ng lupa, illegal fixing ng mga transaksyon at pagpabor ng free patent sa disqualified na mga aplikante.

The post Duterte: Korapsyon malabong mawala kahit sino nakaupo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-korapsyon-malabong-mawala-kahit-sino-nakaupo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-korapsyon-malabong-mawala-kahit-sino-nakaupo)