Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng World Press Freedom Day nitong Mayo 3.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Presidente ang mahalagang papel ng isang malaya at responsableng pamamahayag lalo na sa modernong lipunan.

Dahil aniya sa teknolohiya ay mabilis ang paglabas ng mga impormasyon kaya dapat mas lalo pang paigtingin ang commitment ng tradisyunal at modernong paraan ng paghahatid ng katotohanan.

“This occasion reminds us of the vital role of a free and responsible press in the advancement of society. This year’s theme affirms the nature of news and information as a public good must be utilized effectively to achieve their intended benefits,” anang Pangulo.

Mahalaga aniyang maprotektahan ang  mga mamamahayag sa lahat ng uri ng pananakot at intimidasyon upang ganap na maihatid ang interes ng publiko.

Hinimok ni Pangulong Duterte ang sambayanan na ipagpatuloy ang paggamit ng kapangyarihan ng komunikasyon para sa pagbangon ng bansa at tiyakin ang integridad at kaligtasan ng pamamahayag.

“The messenger itself, the press, must be protected from all forms of threat and intimidation so that they may fully serve the best interest of the people,” dagdag ng Pangulo.

The post Duterte nakiisa sa World Press Freedom Day first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-nakiisa-sa-world-press-freedom-day/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-nakiisa-sa-world-press-freedom-day)