Lumabas sa isang pag-aaral na hindi magbubunga ng magandang epekto sa katawan ang regular na pageehersisyo kung susundan naman ito ng sobra-sobrang pag-upo sa maghapon.

Sa isang pag-aaral ay pinagsama-sama ang mga datos mula sa mahigit 130,000 tao, kung saan inobserbahan ang kanilang mga pisikal na aktibidad sa loob ng mula apat hanggang 14 na taon.

Dito nadiskubre na ang araw-araw na pag-eehersisyo sa loob ng 30 minuto ay kayang bawasan ng 80% ang tsansa ng maagang kamatayan. Ngunit ito ay mararanasan lamang ng isang tao kung hindi siya uupo ng higit sa pitong oras sa isang araw.

Bukod pa rito, nalaman ng mga eksperto na kahit pa samahan ng magagaan na aktibidad ang regular na ehersisyo – aktibidad gaya ng paghuhugas ng plato o pagluluto – nalalagay pa rin sa alanganin ang kalusugan ng isang tao kung nasa 10 oras naman ang kanyang pag-upo sa loob ng isang araw.

Ngunit sa pag-aaral din na ito nalaman na ang tatlong oras na magaan na trabaho ay may katumbas na benepisyo sa katawan gaya ng 30 minuto na ehersisyo.

Sa pag-aaral na ito lalong nabigyang-linaw ang hindi magandang epekto ng masyadong pag-upo.

The post Ehersisyo, wa epek kung lagi nakaupo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ehersisyo-wa-epek-kung-lagi-nakaupo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ehersisyo-wa-epek-kung-lagi-nakaupo)