Ibinida ni PNP chief Guillermo Eleazar nitong Sabado na malaking porsyento ng buong kapulisan ang nagpahayag ng kagustuhang magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Eleazar, nagsagawa sila ng survey sa buong PNP kung saan lumabas na 84% ng kanilang 220,000 na mga miyembro ang nais magpabakuna.

“Based sa survey namin, 84% ng ating kapulisan, out of the 220,000, are willing magpabakuna,” pahayag ni Eleazar.

Dagdag pa ng PNP chief, may mga pinipiling brand ng bakuna ang mga pulis, ngunit hindi naman daw lingid sa kanilang kaalaman na depende pa sa supply ang maibibigay sa kanilang brand ng bakuna.

“‘Yung iba may choice or preference (na bakuna) pero alam natin na kung ano ang available ‘yun ang kukunin just like anybody else dahil ‘yun ang ating proseso at patakaran.”

Ayon pa kay Eleazar, walang problema sa kanya na maging unang miyembro ng kapulisan na magpapabakuna.

The post Eleazar: Maraming pulis gusto magpabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eleazar-maraming-pulis-gusto-magpabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eleazar-maraming-pulis-gusto-magpabakuna)