Pumanaw na nitong Linggo, Mayo 2, ang dating chairman ng Games and Amusements Board (GAB) na si Dominador “Domeng” Cepeda.

Siya ang sumakabilang-buhay sa edad na 86.

Si Cepeda ay nagsilbing chairman ng GAB mula 1994 hanggang 2001, o mula sa panunungkulan ni dating presidente Fidel V. Ramos hanggang sa termino ni dating pangulo Joseph E. Estrada.

Siya rin ay naging commissioner ng Philippine Sports Commission noong panahon ni dating Manila mayor Mel Lopez.

Nagpadala naman ng mensahe ng pakikiramay ang kasalukuyang chairman ng GAB na si Abraham Mitra sa mga naulila ni Cepeda.

The post Ex-GAB chairman Cepeda, pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-gab-chairman-cepeda-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-gab-chairman-cepeda-pumanaw-na)