Ginawaran ng The Micheaux Film Festival ng Outstanding Dramatic Actress award ang Pinay singer at aktres na si Frencheska Farr para sa kanyang pagganap sa short film na “Harana.”

Sa kanyang Instagram post, ibinida ni Farr ang tropeo na kanyang napalanunan sa naturang film fest.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

 

A post shared by Frencheska Farr (@farrfrencheska)

Sa naturang post ay pinasalamatan din ng aktres ang lahat ng nakasama sa pelikula.

“Thank you to my Harana family, our director Marie Jamora, producers Matthew Keene Smith Jason McLagan for trusting me and believing in me,” saad ng aktres sa post.

“This is dedicated to the Filipino people and everyone fighting the good fight. Keep shining your light! Beyond grateful. I love you all,” dagdag ni Farr.

Naiuwi rin ng pelikula ang Outstanding Music award sa nasabing film fest.

The post Frencheska Farr, wagi sa film fest first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/frencheska-farr-wagi-sa-film-fest/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=frencheska-farr-wagi-sa-film-fest)