Isang magandang Pasko ang naghihintay para sa mga Pilipino dahil inaasahang mapapaiksi ang “road to herd immunity” o 70% ng populasyon ang nabakunahan na laban sa COVID-19, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Ani Galvez, ang bakuna ang susi sa pag-alis sa COVID crisis at dahil sa bultuhan na ang dating ng coronavirus vaccine, mangyayari ang “herd containment” sa Setyembre ngayong taon kung saan target na mabakunahan ang 25 milyon hanggang 50 milyong Pilipino.

“Vaccines will be the key to eliminate the COVID crisis. Vaccines are not coming in trickles, and are now coming in volumes,” lahad ni Galvez sa taped message sa paglulunsad ng “Ingat Angat Bakuna Lahat” campaign na pinangunahan ng pribadong sektor kahapon, Mayo 14.

At sa Nobyembre aniya, makakamit ng Pilipinas ang benchmark para sa herd immunity na 58 milyon hanggang 70 milyong populasyon ang fully vaccinated na.

Dagdag ni Galvez, inaasahang mapupuksa ang coronavirus sa ikalawang quarter ng 2022 sakaling 110 milyong Pilipino na ang mabakunahan.

The post Galvez: ‘Herd immunity’ makakamit sa Nobyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/galvez-herd-immunity-makakamit-sa-nobyembre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galvez-herd-immunity-makakamit-sa-nobyembre)