Iminungkahi ni Senador Sherwin Gatchalian na ilagay na ang general public sa vaccine priority list sa kaagahan ang Hunyo at simulan nang turukan ang gusto magpabakuna para mapabilis ang vaccine rollout ng pamahalaan.

“We’re now in the third month of our vaccination program, and from my observation, it’s about time to move the general public up in the priority program as early as June,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa ANC.

“So meaning, allowing the general public, anyone who is willing to take their vaccine to be vaccinated as early as June and reason for that is by June of this year, we will have 21 million vaccines in inventory,” dagdag pa nito.

Binanggit ni Gatchalian ang latest Social Weather Stations (SWS) survey kung saan 32 porsiyento lang ng mga Pinoy ang gusto mabakunahan laban sa COVID-19.

Inaasahang darating sa Hunyo ang 21 milyon dose ng coronavirus vaccine at sapat na ito para mabakunahan ang 32 porsiyento ng populasyon ng bansa.

“If you do the simple math in the NCR cluster, that’s about 26 million in population. And the clincher here is the recent SWS survey where it said that only 32 percent want to be vaccinated. The vaccine acceptance rate is only 32 percent,” sabi ni Gatchalian.

“So if you multiply the 25 million by 32 percent you get about 8 million. So 8 million is less than the 21 million inventories so we have more than enough vaccines for people who want to be vaccinated,” paliwanag pa nito.

Sa kasalukuyan, 4,097,425 pa lamang ang nababakunahan laban sa coronavirus disease sa buong bansa nitong Mayo 22.

Sabi ng National Task Force (NTF) against COVID-19, may daily average na 162,513 ang nababakunahan laban sa COVID-19.

The post Gatchalian: Publiko bakunahan na sa Hunyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gatchalian-publiko-bakunahan-na-sa-hunyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gatchalian-publiko-bakunahan-na-sa-hunyo)