Iminungkahi ng OCTA Research na manatili ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa grupo, bagama’t bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa NCR Plus ay nananatili pa rin itong mataas.

“While we believe that we can relax restrictions, we think that we should try to retain the GCQ at this time because the cases are still significant,” saad ni OCTA Research fellow Prof. Guido David.

Aniya pa, puwede nang paluwagin ang GCQ sa Hunyo, iba sa ‘heightened restrictions’ na pinapatupad ngayong Mayo.

Paliwanag din ni David, hindi pa napapanahon para ilagay sa modified GCQ ang Metro Manila at dahil baka muling makampante ang mga tao.

Sa nakalipas na linggo, bumaba na sa 1,099 ang average na kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila.

The post GCQ sa Hunyo hatol ng OCTA Research first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gcq-sa-hunyo-hatol-ng-octa-research/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gcq-sa-hunyo-hatol-ng-octa-research)