Bukod sa maagang pagkalaglag sa torneo, ay nagtapos pa ng kulelat sa standing ang Gilas Pilipinas 3×3 team sa naganap na FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria.

Sa pagtatapos ng torneo ay nasa dulo ng standing ang Gilas dahil sa kanilang 0-4 record at sa naiskor na 48 points sa kabuuan ng mga larong ito.

Pumasok ang Gilas sa torneo bilang rank 14 sa FIBA, ngunit bigo silang manalo maski makadikit man lang sa kanilang mga laro.

Ang isa sa kanilang mapait na pagkatalo ay tinamo nila sa kamay ng rank 18 na Dominican Republic, 11-22.

Samantala, ang top three na koponan na siyang makakapasok sa Tokyo Olympics ay ang Poland, the Netherlands at ang Latvia.

Ang mga nauna nang makapasok sa Olympics ay ang mga koponan mula sa Serbia, Russia, China at Japan.

The post Gilas 3×3, kulelat sa OQT first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gilas-3x3-kulelat-sa-oqt/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gilas-3x3-kulelat-sa-oqt)