Matumal ang dating ng supply ng COVID-19 vaccine sa mga lugar na isinailalim sa modified general community quarantine (MGCQ), ayon kay Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr.

Kaya naman umapela siya sa national government na mabahagian ng bakuna ang mga lugar na maluwag ang quarantine para magkaroon din ang mga residente ng proteksyon laban sa new coronavirus.

“Dahil nga nagluwag sa mga NCR Plus at ibang MECQ areas dati eh hinihiling namin na bigyan na po kaagad ng marami-raming bakuna na para ‘yung kanya-kanyang mga probinsya para papunta na sa herd immunity. ‘Yan ang aming hiling,” ayon kay Velasco sa DZBB.

Saad ni Velasco, na presidente ng League of Provinces of the Philippines, naiintindihan naman niya ang gobyerno dahil kulang pa rin ang supply ng bakuna.

Ngunit aniya, sa ngayon ay may mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ na halos wala pang natatanggap na bakuna.

Aniya, kahit ang mga in-order na bakuna na binayaran ng iba’t ibang probinsya ay hindi pa rin naide-deliver.

“Halos walang magamit na bakuna. ‘Yung iba nabayaran talagang kakaunti o halos wala pang dinedeliver,” saad ng gobernador.

The post Gov humirit ng dagdag bakuna sa MGCQ area first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gov-humirit-ng-dagdag-bakuna-sa-mgcq-area/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gov-humirit-ng-dagdag-bakuna-sa-mgcq-area)