Target ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mailabas ang mga guideline sa pag-aresto at pagkulong sa mga pasaway sa face mask sa Lunes, Mayo 31.

“I would expect na sa Lunes tapos na ang legal review at puwede na ianunsiyo na aprubado na ng bawat panig [ang guidelines],” lahad ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa panayam sa DZBB.

Ani Malaya, pirmado na ng Department of Justice ang mga patnubay at kailangan na lamang ng lagda nina Interior Secretary Eduardo Año at Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar para maipatupad ito.

Tiniyak ni Malaya na hindi babangga ang mga guideline sa umiiral na mga lokal na ordinansa.

Matatandaang nitong buwan inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP na imbestigahan at idetine ng siyam na oras ang mga mahuhuling walang face mask o hindi sinusuot nang maayos ang kanilang mask.

The post Guidelines sa pag-aresto sa face mask pasaway ilalabas na ng DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/guidelines-sa-pag-aresto-sa-face-mask-pasaway-ilalabas-na-ng-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=guidelines-sa-pag-aresto-sa-face-mask-pasaway-ilalabas-na-ng-dilg)