Nagbigay-pugay si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang kahalagahan ng media sa paghahatid ng mga impormasyon para malabanan ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Taduran patuloy ang paglabas ng maraming media worker upang makapaghatid ng balita sa kabila ng panganib na dala ng COVID-19 at bagamat mayroong mga nabawasan ng sahod at benepisyo.

“Laban lang. Umiiyak na sa takot at hirap, pero tuloy pa rin sa kanilang trabaho ang mga mamamahayag. Binawasan ang suweldo, walang insurance, kanya-kanya sa pagprotekta sa kanilang kalusugan, pero patuloy pa ring naghahanap ng istorya sa labas dahil kailangang maihatid ang balita sa publiko,” sabi ni Taduran sa bisperas ng World Press Freedom Day.

Mahalaga na makarating sa publiko ang totoo at makabuluhang impormasyon kaya ipinaalala ni Taduran ang kahalagahan na mabantayan ang katotohanan.

“Media should tell the news as it is and be the guardian of truth and justice,” dagdag pa ni Taduran na dating TV at radio broadcaster.

Si Taduran ang may-akda ng Media Workers Welfare bill (House Bill 8140), na naaprubahan na sa Kamara de Representantes at nakabinbin sa Senado.

Layunin ng panukala na mas ma-professionalize ang media industry sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga resonableng sweldo at benepisyo sa mga manggagawa rito.

The post Halaga ng media sa paglaban sa pandemya kinilala ni Taduran first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halaga-ng-media-sa-paglaban-sa-pandemya-kinilala-ni-taduran/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halaga-ng-media-sa-paglaban-sa-pandemya-kinilala-ni-taduran)