Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na mayroon pang halos 497,000 bakunang AstraZeneca na kailangan nang maiturok bago magtapos ang buwan ng Hunyo.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, Hunyo 30 nakatakdang ma-expire ang mga naturang bakuna.

Dagdag pa niya, ang nasabing bilang ay ang natitira mula sa halos 1.5 milyon bakunang AstraZeneca na donasyon sa Pilipinas ng COVAX.

Ang mga bakuna na naiturok na ay ginamit sa unang dose ng mga nabakunahan.

“Almost 497,000 na lang ang kailangan natin maturok as first dose. We are confident by end of June nai-jab na itong remaining as first doses,” pahayag ni Cabotaje.

Matapos daw maexpire ang mga ito ay mayroon pang mga bakunang AstraZeneca mula sa COVAX ang darating sa Hunyo. Nasa dalawang milyong bakuna naman ang inaasahang darating sa bansa.

The post Halos 500k bakuna malapit na ma-expire – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/halos-500k-bakuna-malapit-na-ma-expire-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halos-500k-bakuna-malapit-na-ma-expire-doh)