Hindi pa dapat mabahala ang publiko sa napaulat na bagong COVID-19 variant mula sa Vietnam.

Ayon kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvana, kulang pa ang naging pag-aaral para sabihing mas mapanganib ang Vietnam variant.

AIto’y sa kabila ng naging pahayag ni Vietnam Health Minister Nguyen Thanh Long na ‘very dangerous’ umano ang bagong variant, na sinasabing hybrid umano ng India at United Kingdom variant.

“We need to study very well whether this really is a hybrid or if it’s really just another variant that acquired these mutations in the course of natural mutation,” ayon kay Salvana sa panayam ng CNN Philippines, kung saan pinaliwanag nito na hindi ibig sabihin na kapag nag-mutate ang new coronavirus ay mas nakahahawa na ito o kaya’y makaaapekto sa bisa ng mga bakuna.

Aniya pa, hindi dapat mag-panic ang mga Pinoy at siguraduhin lang na nasusunod ang minimum health standard laban sa COVID-19.

Pinunto rin ni Salvana ang P.3 variant sa Pilipinas, kung saan tanging 162 case lang ang napaulat at hindi naging matindi ang pagkalat.

“Sensationalizing news like this is really counterproductive, ’cause it just makes people panic and it doesn’t really have a good basis in science yet,” giit ni Salvan

The post Health expert: Huwag mag-panic sa bagong Vietnam variant first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/health-expert-huwag-mag-panic-sa-bagong-vietnam-variant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=health-expert-huwag-mag-panic-sa-bagong-vietnam-variant)