Maaaring sa unang bahagi pa ng 2022 matatamo ng Pilipinas ang “herd immunity”, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Saad ni Duque sa panayam sa ANC, ito ang “worst case scenario” kung ma-delay ang dating ng mga bakuna.

“Worst case scenario baka until the first quarter of 2022. If the vaccines don’t come as expected,” wika niya.

Ang “herd immunity” ay kung sapat na ang bilang ng mga immune sa sakit, na pipigil sa virus na kumalat pa.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 73 milyong katao laban sa coronavirus upang makamit ito.

The post ‘Herd immunity’ sa 2022 pa makakamit – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/herd-immunity-sa-2022-pa-makakamit-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=herd-immunity-sa-2022-pa-makakamit-doh)