Nakapagtala ngayong Sabado ng record daily rise na mahigit 400,000 nagpositibo sa coronavirus ang India.

Sa loob lang ng isang araw ay 401,993 ang bagong kaso ng coronavirus sa bansa habang 3,523 ang bagong pumanaw.

Batay sa COVID-19 Dashboard ng Johns Hopkins University, ang India ang pangalawa sa mundo na may pinakamataas na coronavirus tally sa 19,164,969 case; 211,853 death toll at 15,684,406 recoveries.

Kasalukuyang dumadanas ng second wave ng coronavirus ang India.

The post Higit 400K bagong COVID case sa India first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/higit-400k-bagong-covid-case-sa-india/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=higit-400k-bagong-covid-case-sa-india)