Tiniyak ng Malacañang na aaksyon agad ang Inter-Agency Task Force sa kahilingan ng mga medical frontliner na ilagay sa ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Negros Oriental dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na titingnan ng IATF ang mga batayan para makapagdeklara ng pinakamahigpit na community quarantine sa Negros Oriental.

Kabilang dito aniya two-week average daily attack, kasama na ang daily attack rate pati na ang hospital care utilization.

Sinabi ni Roque na kapag makita ang mga batayang ito sa lalawigan ay agad na iaakyat ang quarantine classification.

“Mabilis naman po ang proseso, hindi na po inaantay ang meeting, at kung talagang nasa critical pareho ay pupuwede naman pong iakyat kaagad ang quarantine classification,” ani Roque.

Ang Negros Oriental ang isa sa mga lugar na binabantayan ng IATF at National Task Force against COVID-19 dahil sa naitalang pagtaas ng mga kaso ng tinamaan ng COVID -19 sa nakalipas na linggo.

The post Hirit na ECQ sa Negros Oriental, aaksyunan ng IATF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hirit-na-ecq-sa-negros-oriental-aaksyunan-ng-iatf/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hirit-na-ecq-sa-negros-oriental-aaksyunan-ng-iatf)