Tablado sa House committee on justice ang reklamong impeachment laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Sa botong 37-0, naging mabilis ang pagbasura ng impeachment kontra kay Leonen na inihain ni Edwin Cordevilla, secretary-general ng Filipino League of Advocates For Good Government.

Ayon sa mga kongresista, bumase lamang ang reklamo sa ilang report sa diyaryo at walang sapat na dokumentong para patunayang may nilabag si Leonen sa Konstitusyon base sa reklamong betrayal of public trust laban sa abogado.

Saad ni Albay Representative Edcel Lagman, ‘hearsay’ lamang ang basehan ng reklamo ni Cordevilla kay Leonen at walang sapat na ground para patalsikin ang SC Justice.

“Verily, complainant’s lack of personal knowledge and dismal failure to attach the pertinent official certifications or authentic records indubitably make his complaint insufficient in form,” lahad ni Galman.

Pinunto din ng mambabatas na hindi sapat na basehan ang umano’y hindi pagpasa ni Leonen ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

The post House panel binasura impeachment vs Leonen first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/house-panel-binasura-impeachment-vs-leonen/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=house-panel-binasura-impeachment-vs-leonen)