Pinaalalahanan ng Philippine Medical Association (PMA) ang mga doktor na hindi puwedeng basta magbigay ng reseta para makabili ng Ivermectin laban sa COVID-19.

Ito’y kasunod ng ginawang pamimigay nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta ng naturang gamot, na naging kuwestiyonable dahil sa mga maling reseta na pinamigay ng doktor.

Ayon sa PMA, maaari lang gamitin ang Ivermectin para sa mga ospital na binigyan ng compassionate use permit mula Food and Drug Administration (FDA).

“It may not be prescribed by any physician outside the designated authorized hospitals,” ayon sa asosasyon.

Paliwanag pa ng PMA, hindi pa sapat ang ebidensya para patunayang mabisa ang anti-parasitic drug laban sa new coronavirus.

Sa ngayon, limang ospital pa lang ang pinagkalooban ng permit ng FDA para gumamit ng Ivermectin sa mga COVID-19 patient.

“PMA reiterates its warning that FDA already cautioned that manufacturer and dispensing of unregistered drugs would be prosecuted,” saad pa ng PMA. “The unlawful sale of the drug product brought abroad but not registered with the FDA is also illegal.”

The post Huwag basta ireseta! Ivermectin puwede lang sa mga ospital na may permit – PMA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/huwag-basta-ireseta-ivermectin-puwede-lang-sa-mga-ospital-na-may-permit-pma/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=huwag-basta-ireseta-ivermectin-puwede-lang-sa-mga-ospital-na-may-permit-pma)