Upang mapabilis ang pagkontrol sa pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay pagtutuunan ng pansin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsunod ng mga mamamayan sa lahat ng barangay.

Ito ang inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Linggo. Ang programa naman na kanilang isasagawa ay ang pamamahagi ng mga module sa iba’t-ibang mga barangay sa bansa.

Ang mga module ay naglalaman ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga health protocol, gayundin ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19.

“Yung next step natin sa IATF talaga drill down na tayo sa mga barangay. Meron tayong ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga barangay,” pahayag ni Nograles.

“May ginagawa na tayong mga modules at talagang makikipag-ugnayan na talaga kami sa mga barangay down to the hanggang doon sa mga purok-purok nila,” dagdag pa ng kalihim.

Sa kasalukuyan ay may higit 1.1 milyon ang kaso ng COVID sa bansa.

The post IATF mamimigay ng module kada-barangay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iatf-mamimigay-ng-module-kada-barangay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iatf-mamimigay-ng-module-kada-barangay)