Lumabas sa bagong pag-aaral na hindi nagpapalala sa mga sintomas ng COVID-19 ang pag-inom ng mga anti-inflammatory drug katulad ng ibuprofen.

Inirekomenda ng mga may-akda ng pag-aaral sa mga doktor ang patuloy na pagreseta ng mga non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID).

Inilabas ang pag-aaral sa medical journal Lancet Rheumatology nitong Sabado.

Saad ng lead author na si Ewen Harrison, University of Edinburgh professor, sa Katherine Times report, may malinaw na silang ebidensiya na ang mga NSAID ay ligtas gamitin sa mga pasyenteng may COVID-19.

“We now have clear evidence that NSAIDs are safe to use in patients with COVID-19, which should provide reassurance to both clinicians and patients that they can continue to be used in the same way as before the pandemic began,” ani Harrison.

Noong March 2020, inirekomenda ng World Health Organization ang pag-iwas ng mga dumadanas ng COVID-19 sa pag-inom ng ibuprofen matapos ang babala ng ilang French official na maaaring magpalala sa epekto ng virus ang mga anti-inflammatory drug.

The post Ibuprofen ligtas sa mga COVID patient – study first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ibuprofen-ligtas-sa-mga-covid-patient-study/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ibuprofen-ligtas-sa-mga-covid-patient-study)