Tagumpay na napaalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang Chinese vessel na lumalaot sa Sabona Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa PCG, noong April 27 ay nakakita sila ng pitong militia vessel ng China sa Sabina Shoal, kung saan naka-linear formation umano ang mga barko.

Ayon sa crew ng BRP Cabra, nagpadala sila ng mga challenge sa Chinese ship, ngunit hindi sumasagot ang mga ito.

“Nakipag-komunikasyon ang PCG sa mga ito para ipahayag na ang Sabina Shoal ay bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas,” saad ng PCG.

Makalipas ang 20 minuto ay umalis din ang mga barko ng China.

Nasundan pa ito noong April 29 nang bumalik ang BRP Cabra sa Sabina Shoal para sa maritime exercise.

Ayon sa National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS), nakakita ulit ng limang Chinese vessel sa loob ng West Philippine Sea, ngunit umalis din ito pagdating ng PCG.

“The Philippine government shall not shirk from its constitutional obligation to preserve and protect our territorial integrity, and the exercise of our sovereign rights. We reiterate our call to all nations and stakeholders to reconsider their actions, cooperate and comply with their international obligations,” ayon sa NTF-WPS.

The post Ilang Chinese vessel napalayas ng PH Coast Guard sa WPS first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-chinese-vessel-napalayas-ng-ph-coast-guard-sa-wps/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-chinese-vessel-napalayas-ng-ph-coast-guard-sa-wps)