Dineklara ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa anim na bayan sa Surigao del Norte at Surigao City.

Ito’y dahil sa pagsirit ng COVID-19 positive sa probinsya.

Nilagay sa MECQ ang mga bayan ng Claver, General Luna, Sison, Malimono, Gigaquit at Placer mula May 28 hanggang June 4.

Nilatag din ang liquor ban sa mga nasabing lugar, kasama pa rito ang curfew mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling-araw.

Sa Surigao del Norte, umabot na sa 314 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

The post Ilang lugar sa Surigao sinailalim sa MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-lugar-sa-surigao-sinailalim-sa-mecq/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-lugar-sa-surigao-sinailalim-sa-mecq)