Sa India, kung saan may higit 22 milyong kaso na ng COVID-19, nagkukulang na ang mga ospital sa kama, oxygen at mga gamot. At sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, may ilan na hindi na makapaghintay sa pagdating ng mga bakuna.

Sa Gujarat, India, ilang Hindu ang nagpapahid ng pinaghalong dumi at ihi ng baka sa kanilang mga katawan – sa paniniwalang palalakasin nito ang kanilang resistensya o ‘di naman kaya’y tutulungan silang gumaling mula sa COVID.

“We see … even doctors come here. Their belief is that this therapy improves their immunity and they can go and tend to patients with no fear,” pahayag ni Gautam Manilal Borisa, isa umano sa mga gumaling mula sa virus sa pamamagitan ng dumi ng baka.

Isang banal na hayop sa relihiyon ng Hinduism ang mga baka, kung saan ang dumi ng mga ito ay ginagamit din upang linisin ang mga kabahayan at sa iba pang mga ritual.

Gayunpaman, nagbabala ang ilang eksperto laban sa naturang gawain.

“There is no concrete scientific evidence that cow dung or urine work to boost immunity against COVID-19, it is based entirely on belief,” saad ni JA Jayala, pangulo ng Indian Medical Association.

“There are also health risks involved in smearing or consuming these products – other diseases can spread from the animal to humans,” dagdag pa niya. (Mark Joven Delantar)

The post Ilang taga-India, dumi ng baka gamot kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-taga-india-dumi-ng-baka-gamot-kontra-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-taga-india-dumi-ng-baka-gamot-kontra-covid)