Pinaubaya ng Quezon City government sa mga pulis ang pag-iimbestiga kung may pananagutan si Angel Locsin matapos may magpositibo sa mga pumila sa ikinasa nitong community pantry noong April 23.

Inatasan anila ng Department of Interior and Local Government ang Quezon City Police District (QCPD) “to conduct the investigation and undertake legal action if such is merited” laban sa aktres.

Noong Biyernes, isang 42-anyos at isang 43-anyos na babaeng residente ng Barangay Holy Spirit, Quezon City ang nagpositibo sa virus.

Kasunod ito ng pagpunta nila sa community pantry ni Angel sa naturang barangay upang ipagdiwang ang kanyang ika-36 kaarawan.

Sabi ni City Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Rolly Cruz, nagpositibo rin ang 11-anyos na anak na babae ng isa sa dumalo sa community pantry.

Sa nasabing community pantry, pumanaw din ang isang senior citizen.

The post Imbestigasyon sa community pantry ni Angel pinaubaya sa QCPD first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/imbestigasyon-sa-community-pantry-ni-angel-pinaubaya-sa-qcpd/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=imbestigasyon-sa-community-pantry-ni-angel-pinaubaya-sa-qcpd)