Nagbigay ng mga food pack at sako-sakong bigas sa lalawigan ng Bulacan ang Iglesia Ni Cristo (INC) ngayong Labor Day.

Sa pamamagitan ito ng kanilang “Lingap Sa Mamamayan” program.

Tinanggap ni Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado ang nasa 4,000 food packs mula kay Bro. Allan Quiambao, INC Meycauayan minister.

Sabi ni Bro. Quiambao, ginagawa ito ng INC taon-taon upang palaganapin ang mga salita ng Diyos at mga aral nitong tulungan ang mga nangangailangan.

Bawat food pack ay naglalaman ng limang kilong bigas at sari-saring de-lata, na ipamamahagi sa Lunes sa mga residente ng Bulacan.

The post INC nagbigay ng mga food pack, bigas sa mga Bulakenyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inc-nagbigay-ng-mga-food-pack-bigas-sa-mga-bulakenyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=inc-nagbigay-ng-mga-food-pack-bigas-sa-mga-bulakenyo)