Nanindigan ang International Olympic Committee (IOC) na magiging ligtas para sa mga atleta at staff ang nalalapit na pagdaraos ng Tokyo Olympics sa Japan.

Sa isang pagtitipon ng mga committee ng Olympics nitong Miyerkules, nangako si IOC president Thomas Bach na walang dapat ipangamba sa pagdating ng libo-libong atleta sa Japan tungkol sa maaaring maging pagtaas ng mga kaso ng COVID sa bansa.

“The most important principle is very clear. The Olympic village is a safe place and the Olympic and Paralympic Games of Tokyo 2020 will be organised in a safe way,” pahayag ni Bach.

Dagdag pa niya, malaking porsyento na ng mga staff na titira sa Olympic village ang nabakunahan. Gayundin, karamihan sa mga atletang papasok sa bansa ay nabakunahan na.

“At this moment, already as many as 75 percent of the residents of the Olympic village are already vaccinated or have secured vaccination in time before the Olympic Games,” he said, adding that IOC officials “have good reasons to believe that this figure will be well above 80 percent” dagdag pa ng IOC president.

Maraming Hapon ang tutol sa pagdaraos ng Olympics sa Hulyo, dahil na rin sa takot na dumami muli ang mga kaso ng virus sa bansa. Noong nakaraang taon pa sana naidaos ang nasabing palaro ngunit nausad dahil din sa pandemya.

The post IOC: Olympics ligtas mula sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ioc-olympics-ligtas-mula-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ioc-olympics-ligtas-mula-sa-covid)