Diniin ni Manila Mayor Isko Moreno na dapat makapili ang kahit sino ng bakunang gustong iturok sa kani-kanilang katawan.

Ito’y kasunod ng polisiya na pinatupad ng Department of Health (DOH) kung saan bawal nang ianunsyo ng mga local government unit (LGU) ang vaccine brand na ituturok sa kanilang mga residente.

“Karapatan ng tao na mamili ng bakunang ituturok sa kanya,” ayon kay Moreno.

Nilinaw naman ni Moreno na susundin nila ang protocol ng DOH at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, ngunit pinaalalahanan ang kanyang mga residente na puwede pa ring magtanong ng vaccine brand na ituturok sa kanila mismong sa vaccination site.

“Your body, your choice. Karapatan mo iyan,” sambit pa ni Moreno.

Matatandaan na ipinatupad ang ‘brand agnostic’ policy para maiwasan ang mass gathering ng publiko sa mga vaccination site kung saan doon tinuturok ang kanilang gustong brand ng bakuna.

The post Isko Moreno: Karapatan ng tao na mamili ng bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isko-moreno-karapatan-ng-tao-na-mamili-ng-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isko-moreno-karapatan-ng-tao-na-mamili-ng-bakuna)