Pinuri ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang pagbebenta ng ivermectin tablet sa mga outlet ng Watsons Personal Care Store (Philippines) Inc.

Sa advisory sa kanilang social media pages sinabi ng Watson na ang maaaring lamang bentahan ng ivermectin ay ang mga mayroong reseta ng doktor.

“We applaud Watsons for improving public access to ivermectin, which has a fervent following not only in the Philippines but also across the globe,” sabi ni Defensor.

Ang 12mg ng ivermectin ay mabibili sa halagang P24.50 at ang 15mg ay P26.50 kada tableta.

Mayroon ding advisory ang Mercury Drug Corp. na malapit ng mabili sa kanilang mga outlet ang ivermectin.

Nauna rito, kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring may katotohanan sa sinasabing bisa ng ivermectin sa paglaban sa COVID-19 dahil mayroong mga doktor na nagrerekomenda nito sa kanilang mga pasyente.

Nagbigay na rin ang Food and Drug Administration (FDA) ng certificate of product registration sa Lloyd Laboratories Inc. para gumawa at magbenta ng Ivermectin.

The post Ivermectin mabibili na sa mga botika first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ivermectin-mabibili-na-sa-mga-botika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ivermectin-mabibili-na-sa-mga-botika)