Nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na walang mangyayaring balasahan sa kanilang hanay.

Ayon kay Jimenez, hindi maaaring mag-reshuffle ng opisyal sa Comelec dahil isa silang independent constitutional commission.

“For the record: The COMELEC is an independent Constitutional Commission. Its members can only be removed thru impeachment so “balasahan” is NOT an option,” saad ni Jimenez sa isang tweet.

Ito’y matapos magpakalat ng impormasyon ang ilang pro-government social media page na may mga opisyal umano sa Comelec ang matatanggal sa pwesto.

Tinawag ni Jimenez ang mga naturang post na ‘disinformation’ at ginagamit umano para sa pamumulitika.

The post Jimenez: Walang balasahan sa Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jimenez-walang-balasahan-sa-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jimenez-walang-balasahan-sa-comelec)