Inaprubahan ang paggamit ng Johnson & Johnson single-shot COVID-19 vaccine sa United Kingdom.

Ayon sa The Guardian report, ito na ang ikaapat na bakuna laban sa coronavirus ang inaprubahan ng UK medicines regulator.

Ang bakuna mula sa US-based pharmaceutical company ay kinokonsiderang susi laban sa global pandemic dahil isang turukan lamang ito hindi katulad ng tatlo pang brand ng bakuna na inaprubahan ng UK na kailangan ng dalawang dose para makapagbigay ng mataas na proteksyon kontra coronavirus.

Ibinatay ng Johnson & Johnson ang kanilang COVID-19 vaccine sa diskarte nila sa matagumpay na nagamit laban sa Ebola virus.

The post Johnson & Johnson single-shot vaccine inaprub sa UK first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/johnson-johnson-single-shot-vaccine-inaprub-sa-uk/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=johnson-johnson-single-shot-vaccine-inaprub-sa-uk)