Hindi pa rin bukas ang Batanes para sa mga turista, ayon kay Governor Marilou Cayco.

Ito’y sa kabila ng pagiging COVID-19 free muli ng probinsya buhat noong April 12.

“Sa ngayon po, dahil sa patuloy na paglobo ng COVID cases sa ating bansa mananatlii pa ring sarado ang Batanes sa mga turista at non-essential travel. Ito rin kasi ang pangkalahatang sentimyento ng mga Ivatan,” saad ni Cayco sa panayam ng TeleRadyo.

Sa kabuuan, 10 lang ang naging kaso ng COVID-19 sa Batanes dahil sa paghihigpit nila sa pagpasok ng mga tao.

Ayon kay Cayco, strikto sila sa pagtanggap ng mga locally stranded individual dahil iisa lamang ang kanilang ospital at wala silang testing laboratory.

The post Kahit COVID free: Turista bawal pa rin sa Batanes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-covid-free-turista-bawal-pa-rin-sa-batanes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-covid-free-turista-bawal-pa-rin-sa-batanes)