Kahit pista opisyal ay magkakaroon ng Talk to the People ngayong Huwebes ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte para magbigay ng update kaugnay sa ginagawang pagtugon ng gobyerno sa usapin ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng ang Pangulo na rin ang mag-anunsiyo ng susunod na quarantine classification.

Bago ang Talk to the People ay magpupulong ang Inter-Agency Task Force at ang anumang magiging rekomendasyon ay ipaaabot sa Pangulo para ibigay ang pinal na desisyon nito.

“IATF will meet today for classifications. PRRD will also have his talk to the people. Happy public holiday to all!” ani Roque.

Nakatakdang magtapos ngayong Biyernes, Mayo 14 ang quarantine classification na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang piling lugar sa bansa.

Inirekomenda naman ng ilang grupo na palawigin pa ang umiiral na MECQ sa National Capital Region plus bubble para tuluyang mapahupa ang kontaminasyon ng COVID-19 na sumalanta noong Abril hanggang unang linggo ng Mayo na nagresulta sa mataas na bilang ng COVID cases.

The post Kahit holiday: Duterte magsasalita sa publiko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-holiday-duterte-magsasalita-sa-publiko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-holiday-duterte-magsasalita-sa-publiko)