“What kind of friend – or benefactor – would take what is ours, bully us, and ignore our protests?”

Ito ang tanong ni Senador Panfilo Lacson kasabay ng pagsulong na rebyuhin ang diplomatikong kasunduan ng Pilipinas at China sa gitna ng ginagawang pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Lacson, dapat ring suportahan ng Senado ang mga diplomatic protest na inihain ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. laban sa China.

“Maybe a review of the country’s diplomatic relations is timely and called for. All the diplomatic protests that the Secretary of Foreign Affairs filed have been ignored as if nothing was filed at all,” sabi ni Lacson sa kanyang post sa Twitter.

“The continued incursions and bullying finally got his goat. The Senate must support him in this regard,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Lacson na tinanggap ni Senate minority leader Franklin Drilon, principal author at sponsor ng Senate Resolution sa WPS issue, ang dalawa sa kanyang amendment.

Una ay ang paggamit na salitang ‘condemning’ sa ‘strongly objecting’.

“To condemn means some sort of eternal divine punishment. Hence, no matter how unlikely, in case China eases up on its aggressive stance, our condemnation cannot be taken back,” paliwanag ni Lacson.

Ang pangalawang amendment ay ang pahikayat sa Department of Foreign Affairs na ikonsiderang irebyu ang matagal nang diplomatic relations a pagitan ng Pilipinas at China.

Ito’y upang iparating ang mensahe sa China ang ang pagpasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ay pagtalima umano sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa rule of law na aniya’t “totally unacceptable.”

Muling iginiit ni Lacson na ang isyu sa WPS ay hindi dapat ikonek sa iba pang isyu tulad ng donasyon ng bakuna ng China.

“We should have a united stand on the West Philippine Sea, and this should not be connected to any other issue except sovereignty and territorial integrity,” ani Lacson.

Sa pagsulong ng pagsusuri ng Philippine-China diplomatic ties, ipinunto ni Lacson na dapat maging ‘innovative and creative’ ang Piipinas sa pag-approach sa isyu dahil hindi na umano epektibo ang mga diplomatic protest.

“There are so many possibilities to explore,” sabi pa ni Lacson.

The post Kaibigan daw pero bully? Relasyong China-PH dapat silipin – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaibigan-daw-pero-bully-relasyong-china-ph-dapat-silipin-lacson/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaibigan-daw-pero-bully-relasyong-china-ph-dapat-silipin-lacson)