Magdodoble-kayod ang Kamara de Representantes upang maaprubahan ang mga prayoridad na panukala bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa Hunyo 5.

“We resume session on Monday with a full plate of priority bills scheduled for plenary deliberation before we adjourn sine die this week,” sabi ni House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, chairperson ng House Committee on Rules.

Sinabi ni Romualdez na gaya ng nais ni Speaker Lord Allan Jay Velasco nasa unahan ng listahan ang panukalang Bayanihan to Arise as One Act (Bayanihan 3) at ang pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution (Resolution of Both Houses 2).

Kasama sa target na maipasa ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang survivorship benefits sa mga miyembro ng National Prosecution Service, pagkakaroon ng taunang libreng check-up sa mga Pilipino, pag-amyenda sa Batas Kasambahay law upang maproteksyunan ang mga employer, permanenteng validity ng live birth, death, at marriage certificates na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), pagkakaroon ng agriculture information system, bagong batas para sa mga doktor at regulasyon ng parking.

Susubukan din umanong aprubahan ng Kamara ang mga local bills gaya ng pagpapalawig ng operasyon ng mga ospital ng gobyerno.

The post Kamara doble-kayod sa dami ng panukalang nais maaprubahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kamara-doble-kayod-sa-dami-ng-panukalang-nais-maaprubahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kamara-doble-kayod-sa-dami-ng-panukalang-nais-maaprubahan)