Madami ang nagdalamhati sa pagpanaw ni Ricky Lo, isa sa respetadong entertainment journalist sa bansa.

Sa tweet ni Ali Sotto, binahagi niya ang kanyang huling mensahe kay Ricky Lo noong April 21, ika-75 birthday ng batikang showbiz editor.

Ayon naman kay Karen Davila, ang paglisan ni Lo ay ‘passing of an era’ sa showbiz reporting.

“Kind & soft spoken but would always get the scoop! He was always first. You either feared or loved him – depending how you ended up on his powerful column,” saad ng ABS-CBN journalist.

Nagbigay-pugay din ang mga kasamahan ni Ricky sa Philippine Star, kung saan nagsilbi siya ng 35 taon bilang entertainment editor.

The post Karen Davila, Ali Sotto nagluksa sa pagpanaw ni Ricky Lo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/karen-davila-ali-sotto-nagluksa-sa-pagpanaw-ni-ricky-lo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=karen-davila-ali-sotto-nagluksa-sa-pagpanaw-ni-ricky-lo)